Pagbago ni Biden sa US immigration policy, malaking pakinabang para sa mga Pilipino – Ambassador Romualdez

Kapaki-pakinabang para sa mga Pilipino ang bagong direksyon ng immigration policy ng Estado Unidos sa ilalim ng Biden administration.

Ayon ito kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez.

Isa sa mga ipinangako ni US President Joe Biden ang baguhin ang immigration policies na ipinatupad ng Administrasyong Trump.

Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, isa itong malaking tulong sa Filipino immigrants.

Karamihan aniya sa mga Amerikano ay naniniwala na malaki ang kontribusyon ng mga imigrante sa magandang estado ng bansa nila ngayon, lalo na maraming Filipino-Americans ang naging matagumpay na manggagawa sa bansa.

Matatandaang sa ilalim ng pamamahala ni President Donald Trump, nagpatupad ang US Department of Homeland Security ng isang taong ban sa pagpapalabas ng mga non-immigrant working visas na H-2A at H-2B sa mga Pilipino mula January 19, 2019 hanggang January 18, 2020, dahil sa mga isyu ng overstaying at human trafficking.

Bago ma-expire ang naturang ban, binigyan ng US citizenship at immigration services ng pagkakataon ang ibang bansa na makakuha ng naturang visas ngunit bukod dito ang Pilipinas.

Sinubukan rin ni Trump na buwagin ang programang Deferred Action for Childhood Arrivals o DACA na nasimulan sa panahon ng panunungkulan ni ex-President Obama.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.