Pagbahang nararanasan sa NCR at mga karatig lalawigan, posible pang lumala — OCD

Posible pang lumala ang mga bahang nararanasan sa ilang bahagi ng National Capital Region (NCR) at mga karatig lalawigan dahil sa bagyong Ulysses.

Ayon kay Assistant Secretary Casiano Monilla, Office of Civil Defense (OCD) Deputy Administrator for Operations, ito’y dahil sa pagpapakawala ng tubig ng mga dam na umaapaw dahil sa ulan na dala ng bagyo.

Yun aniyang mga nasa lugar sa dinadaluyan ng tubig na pinakakawala sa dam ay dapat nang mag-evacuate.

Posible kasi aniyang magtuloy-tuloy pa ang pag-ulan hanggang mamayang hapon.

Humingi na aniya ang OCD ng tulong sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para magpadala ng karagdagang pwersa mula sa mga ibang rehiyon patungo sa mga lugar na dinaan ng Ulysses upang tumulong sa evacuation, relief, and rescue operations.

Sa ngayon aniya ay wala pa silang eksaktong datos ng bilang ng mga biktima o halaga ng kapinsalaan ng bagyo, pero umaasa sila na ngayong hapon ay may makukuha na silang mga ulat mula sa field.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.