Pagbibitiw ni Morales sa PhilHealth, di makakalusot sa kasong isasampa sa kanya – Malacañang

Hindi pa rin lusot si Retired General Ricardo Morales sa anomang posibleng asunto sa gitna ng isyu ng korapsyon sa PhilHealth na dati nitong pinamunuan.

Ito’y kahit naghain na ng kanyang resignation si Morales bilang PhilHealth chief na tinanggap naman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Malinaw naman ang itinatakda ng batas ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque tungkol dito.

Kung may criminal liability aniyang nagawa habang ang isang opisyal o indibidwal ay bahagi pa ng isang tanggapan, hindi aniya nawawala ang pananagutan nito kahit wala na siya sa puwesto.

June 2019 ng italaga ng Pangulo si Morales sa PhilHealth, hanggang sa naghain na nga ito ng kanyang kamakalawa na tinanggap naman ng Presidente.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.