Pagbili ng Air Force ng Multi-Role Fighter, tiniyak ni Sec. Lorenzana

Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na “on track” ang pagbili ng Multi-Role Fighter (MRF) para sa Philippine Air Force (PAF).

Ito ang inihayag ng kalihim matapos na sumakay sa isa sa mga FA 50 fighter jets ng PAF na nagsagawa ng aerial maneuvers sa Sanay Datu: Air Defense Exercise sa Basa Airbase Sa Pampanga kahapon.

Ayon sa kalihim, ito ang unang pagkakataon sa loob ng 25 taon na nakapagsagawa ng air defense exercise ang Air Force, dahil ngayon lang sila nagkaroon ng mga modernong eroplano.

Ayon sa kalihim sa halip na kumuha ng 12 pang FA-50 fighters na pandagdag sa kasalukuyang 12, mga Multi-Role Fighters na lang ang bibilhin.

Nasa 24 na MRF aniya ang gusto sana nilang bilhin, pero 12 muna ang siguradong makukuha.

Higit aniyang mahalaga sa panahong ito na magkaroon ng credible air defense dahil sa sitwasyon sa rehiyon na may kinalaman sa West Philippine Sea.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.