Pagbuhay muli sa ABS-CBN franchise, ipinauubaya na sa susunod na Kongreso

Ipaubaya na lamang dapat sa susunod na Kongreso ang planong pagbuhay muli sa prangkisa ng ABS-CBN.

Ito ang inihayag ni House Committee on Legislative Franchises Chair Franz Alvarez, sa gitna na rin ng hakbang ng ilang mambabatas na buhayin ang deliberasyon ng franchise renewal ng network.

Sa sesyon naman nitong Miyerlules, ay hiniling ni Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor, na talakayin sa plenaryo ang “unresolved” measure tungkol sa pagkakaloob ng provisional franchise sa ABS-CBN.

Partikular dito ang House Bill 6732, na naglalayong bigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN hanggang October 31, 2020, na inihain ni dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Ngunit paliwanag ni Alvarez, dahil sa wala namang naghain ng motion para kuwestyunin ang naging desisyon ng komite ay maituturing na itong final, at moot and academic na ang naturang panukala

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.