Pagbuo sa Philippine Trade Facilitation Committee, ipinag-utos ni Pangulong Duterte

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order no. 136 na magtatatag ng Philippine Trade Facilitation Committee. Alinsunod na rin ito sa World Trade Organization (WTO) – Trade Facilitation Agreement (TFA).

Ang komiteng ito ang inatasan na magaral, mag-propose, at mag-coordinate ng posisyon, aktibidad at aksyon ng pamahalaan sa mga usaping mayroong kinalaman sa WTO-TFA at iba pang trade facilitation commitments.

Ito rin ang magri-representa at magsusulong ng interes ng Pilipinas sa mga pagpupulong para sa implementasyon ng WTO-TFA.

Ito rin ang magsu-sumite ng mga ulat kaugnay sa compliance ng Pilipinas sa WTO-TFA.

Ang komiteng ito ay pangungunahan ng representante mula sa Department of Finance (DOF) bilang Chairperson, Co-Chair naman ang Department of Trade and Industry, Vice-Chair ang Bureau of Customs, at tatayong miyembro naman ang mga sumusunod:

Department of Agriculture, Department of Foreign Affairs, National Economic Development Authority, Department of Environment and Natural Resources, Department of Transportation, Bangko Sentral ng Pilipinas, Food and Drug Administration, Philippine Economic Zone Authority at Tariff Commission.

Nilagdaan ng pangulo ang EO, ika-18 ng Mayo, 2021.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.