Pagbuwag sa mga oligarch, matinding tagumpay ni Pangulong Duterte

Kung mayroong isang maipagmamalaking nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagiging Presidente ay ang matagumpay na pagbuwag sa mga oligarch na matagal nang kumokontrol sa gobyerno.

Sa kanyang talumpati sa isang aktibidad sa Tacloban City noong Huwebes, sinabi ng Pangulo na tiklop ang mga oligarko dahil nabuko ang mga ginagawang pagsasamantala sa publiko sa matagal na panahon.

“If there is one thing I will bring with me when I die, alam mo ano? That I was able to dismantle the oligarchs holding the government. Talagang niyari ko sila,” anang Pangulo.

Dehado aniya ang gobyerno at publiko sa kontrata sa mga water concessionaire kaya hindi niya pinalampas ito at ang nagsilbing mitsa sa kanilang pagsasamantala.

“Kaya tiklop sila talaga kasi nandiyan na sa sword of Damocles,” dagdag ng Pangulo.

Kabilang sa nabuking ng gobyerno sa kontrata ng mga oligarko ay ang mga ito ang magtatakda ng rates sa singil sa tubig, ang kanilang corporate income tax ay binabayaran at binabalikat ng mga consumer, at kung malugi ang mga ito ay ang taongbayan ang mag-aabono sa nawalang kita ng mga ito.

Bukod pa dito aniya ang sinisingil sa mga kostumer para sa water treatment facility subalit dalawang dekada na ay wala pang naipapatayong treatment facility.

“Alam n’yo ‘yong water treatment which was collected all throughout the years, trillion na yan. If you force the issue, it would come up to a trillion since 1997,” wika ng Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.