Pagbuwag sa oligarkiya sa bansa, pinakamalaking achievement — PRRD

Maituturing na ‘greatest achievement’ ng Administrasyong Duterte ang paglantad at pagbuwag sa oligarkiya sa bansa.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panayam ng kanyang matalik na kaibigan na si Pastor Apollo C. Quiboloy sa SMNI news.

Ngunit dahil patapos na ang kanyang termino, sinabi ng punong-ehekutibo na handa na ito na magretiro sa susunod na taon.

“Ako naman, I’m ready for retirement but if you ask me, what is my greatest achievement in a very humble way; ako Pastor, I exposed the oligarchy in the Philippines na sinasabi ko na noon sa kampanya“, saad ni PRRD.

Kaugnay naman sa panawagan ng kanyang partidong PDP-Laban at halos mayorya ng mga Pilipino na tumakbo ito pagka-bise presidente, nilinaw ni Pang. Duterte na hindi magiging madali kung muli siyang tatakbo sa darating na eleksyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.