Pagdinig sa impeachment complaint laban kay SC Associate Justice Leonen, kasado na ngayong araw

Ngayong araw sisimulan ng House Committee on Justice ang pagdinig sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

Ilalatag muna ng komite ang rules at aalamin kung may sapat na ‘form’ at ‘substance’ ang reklamo.

Pagtitiyak ni Justice Committee Vice Chairman at Rizal Rep. Juan Fidel Nograles na hindi mahahaluan ng pulitika ang proseso ng impeachment laban sa mahistrado.

Dagdag pa ng mambabatas na mismong si Speaker Lord Allan Velasco ang nag-atas sa Justice panel na maging fair at impartial ang pagdinig at bigyang pagkakataon ang bawat panig na mailatag at marinig ang kanilang mga argumento.

Inirereklamo si Leonen ng culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust dahil sa hindi umano paghahain ng Statement of Asset Liabilities and Networth o SALN, gayundin ang delayed na pagresolba nito ng mga kaso na kanyang hinahawakan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.