Paghabol ng Chinese vessels sa mga Pinoy sobra na – Del Rosario

Labis na ang ‘territorial incursion’ ng China sa West Philippine Sea ayon kay dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario.

Iginiit ni Del Rosario na kailangan nang magpadala ng “demarche” ang bansa sa China matapos ang paghabol ng coast guard nito sa mga Filipino kung saan kasama ang isang news team.

“Such UN notification will form part of official Ph communications, including those required under Article 51 of the UN Charter relating to individual and collective self-defense,” aniya.

Nanawagan din itong silipin muli ang joint patrol agreement sa WPS sa US.

Aprubado ni dating Deputy Secretary Anthony Blinken noong 2016 ang nasabing kasunduan kung saan kasalukuyan itong US State Secretary ng administrasyong Biden.

“The agreement was not pursued by President Duterte as he was concerned that it would displease Beijing,” punto ni Del Rosario.

Itinaas naman ni Acting Foreign Affairs Undersecretary for Bilateral Relations at ASEAN Affairs Elizabeth Buensuceso sa virtual ASEAN Senior Officials’ Meeting (SOM) nitong Abril 7 ang isyu sa Julian Felipe Reef.

“The continued deployment and lingering presence of a large swarm of maritime militia vessels within the Philippines’ maritime zones remains a serious concern and we reiterate that a conducive environment is crucial for the COC negotiations,” saad ni Buensuceso.

Ang Pilipinas ang kasalukuyang coordinator ng ASEAN-China Dialogue Relations.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.