Paghahain ng kaso sa isang LGU na pinasaringan ni Pangulong Duterte, ipinauubaya na ng Palasyo sa DILG

Bahala na ang Department of Interior and Local Government kung iaakyat nito sa pagsasampa ng kaso ang reklamo ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa isang LGU.

Ito ay dahil na rin sa umano’y hindi maayos na sistema na ipinatutupad ng hindi tinumbok na LGU sa pagbabakuna at pagbibigay ng ayuda.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, iiwan na nila sa DILG ang pagpapasiya.

Tungkulin na ani Roque ito ng ahensiya gayung sila naman ang may hurisdiksyon sa mga lokal na pamahalaan kaya’t ipinauubaya na nila ang anomang aksiyon kung meron man kontra sa hindi tinukoy na LGU.

Nitong huling Talk to the People ng Pangulong Duterte ay sinabi nitong hindi niya ipagkakatiwala sa isang LGU ang nakatakdang pamamahagi ng ayuda at sa halip, ipauubaya niya ang pamamahagi nito sa DILG at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.