Paghamon ni Sen. De Lima kay Pres. Duterte na isuko na lang ang pagka-Pangulo kay VP Robredo, sinagot ng Palasyo

Bumuwelta ang Palasyo sa hamon ni Senador Leila de Lima na isuko na lang ni Pangulong Duterte ang pagka-Pangulo kay Vice President Leni Robredo.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, parang nagha-hallucinate ang babaeng mambabatas na nakuha nito mula sa kanyang pagkakapiit.

Mas maigi ayon kay Panelo na ipagdasal na lamang si De Lima at isama sa panalangin ang kalusugan nito.

Una rito ay sinabi ng nakaditeneng Senadora nan a dapat nang magpadala ng liham ang Chief Executive sa dalawang kapulungan ng Kongreso..

ito ay upang ideklara na wala na umanong kakayanang gampanan pa ng Pangulo ang kaniyang tungkulin sa bansa at ilipat na sa bise-presidente ang kaniyang kapangyarihan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.