Pagiging content provider ng ABS-CBN sa Zoe TV, di na kailangan ng prangkisa ayon sa Malacañang

Hindi na nagkomento pa ang Palasyo sa muling pag-ere ng ilang ABS-CBN shows sa free television sa Oktubre 10, para sa Metro Manila at ilang karatig na probisinya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay dahil magiging content provider lamang ito, at ang Zoe TV pa rin ang siyang subject to regulation dahil sila ang franchise holder.

“We have no reaction to it because they are a content provider ‘no and for all intents and purposes, it is Zoe that will be subject to regulation because Zoe is the franchise holder.” ani Secretary Roque.

Nilinaw rin ng kalihim na hindi na kailangan pa ng ABS – CBN ng prankisa para dito.

“Well, what has happened is ABS-CBN has become a content provider so that’s a distinct line of business that does not require a franchise. So I guess the fans of Probinsiyano and the other soap operas can look forward to them on Zoe TV.” pahayag ni Secretary Roque.

Matatandaan na Martes nang ianunsyo ng ABS-CBN ang muling pagere ng mga entertainment programs nito sa Zoe TV na rebranded na bilang A2Z Channel 11.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.