Pagiging ‘fraud’ ni Maria Ressa, ilalantad ni Pangulong Duterte

Humirit pa ng kaunting panahon ay handa na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isambulat nito sa sambayanang Filipino ang pagiging ‘fraud’ ng kanyang kritiko na si Rappler CEO Maria Ressa.

Sa public address ng Pangulo kaninang madaling araw, Hulyo 8 ay sinabi nito na maayos na nagtatrabaho para sa bansa ang mga opisyal ng gobyerno gaya nina Secretary Carlito Galvez, Secretary Delfin Lorenzana at Secretary Eduardo Año kung kaya’t hindi niya maisip kung bakit mayroong naninira sa kanila.

“General Galvez, General Lorenzana, General Ano, they have served the country and they are still serving the country. Why would they destroy their name?” ayon sa Pangulo.

“‘Yung madudumi ang isip, pag sabi na may price difference eh tingnan mo muna yung history,” dagdag na pahayag nito.

“If you judge us the way… then one of these days we will also judge you in the same way and with more ferocity. And it will come… tayong mga politko, it will come just be careful,” aniya pa rin.

Bago pa pangalanan si Ressa, ay tinanggap muna ng Pangulo ang mga ‘folders of information’.

“You will have a dose of your own medicine one of these days. I am not threatening you. Go ahead and expose anything about corruption,” ayon sa Pangulo.

“Ressa is a fraud. Give us time. It’s too early for you to enjoy yung mga award, award mo. You are a fraud. We are just compiling. Some day in bold letters, we will show your incongruity. You are a fraud,” giit ng Chief Executive.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay sinabi ni Ressa na misleading at kasinungalingan ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na suportado ng Pangulo ang press freedom.

Inihayag ni Ressa na makikitaan ng pattern ang mga aksyon ng Pangulo gaya na lamang ng paninira at pag-atake nito sa Rappler.

Matatandaan na na-convict si Ressa at ang dating researcher na si Reynaldo Santos Jr. sa salang cyber libel ng Manila Regional Trial Court Branch 46.

Gayunman, nanatiling malaya ang dalawa matapos nilang makapaglagak ng piyansa habang hinihintay ang pinal na desisyon sa kaso.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.