Pagiging pangatlo ng Pilipinas sa pinakamaraming naturukan ng COVID-19 vaccines sa ASEAN region, patunay na puspusan ang trabaho ng pamahalaan laban sa pandemiya -PRRD

Sinasalamin lamang ng pag-angat ng ranking ng vaccination program ng Pilipinas sa ASEAN region na puspusan ang ginagawang pagtatrabaho ng pamahalaan kaugnay sa COVID-19 vaccination roll-out nito.

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng update ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., na nasa ikatlong pwesto ang Pilipinas sa ASEAN region sa bilang ng mga bakunang naiturok na sa mamamayan.
 
Base sa update ng kalihim sa Pangulo kagabi (April 19), 3rd pa rin ang pwesto ng Pilipinas na mayroon nang higit 1.2 million vaccines administered mula sa dating 8th place, sinundan ng bansa ang Singapore na mayroon nang higit 1.6 million doses, habang nangunguna pa rin ang India na mayroong 16 million doses administered.

Bukod dito, pang-41 ang pwesto ng Pilipinas mula sas 173 countries sa buong mundo, habang pang 47 naman ang bansa kung Asian countries ang pag-uusapan.

Pinapurihan rin ng Pangulo si Secretary Galvez na nagsusumikap aniya upang magkaroon ng bakuna ang Pilipinas sa pinakamabilis na panahon.

“So nakita mo naman na hindi pala tayo ‘yong pinakamahina, mataas nga ‘yong atin. It goes to show that we are really working very hard, especially Secretary Galvez, to get the vaccines here in the Philippines on time.”, ayon kay Pangulong Duterte.

Ayon kay Pangulong Duterte, kahit hindi kasing bilis ng nais ng pamahalaan ang paggulong ng vaccination program, nagagawa pa rin ng Pilipinas na bakunahan ang maraming Pilipino laban sa COVID-19, na siyang ikinatutuwa ng Pangulo.

“You know, for whatever it is really worth to them, we were able to make a go at least not everybody at one time, but we have vaccinated a lot of people and I am happy that we have completed the vaccination of the medical people, iyong tawag nilang frontliner.” —Pangulong Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.