Pagkadetine ni Rappler CEO Maria Ressa sa NBI, kasalanan ng abogado – Malacañang

watch the video here:

Itinuro ng Palasyo ang sisi sa mismong abogado ni Rappler CEO Maria Ressa, sa kung bakit nabigo itong makapaglagak ng piyansa kamakalawa, dahilan upang magpalipas ito ng magdamag sa National Bureau of Investigation (NBI).

Kasunod ito ng alibi ng kampo ni Ressa na wala kasi silang hawak na information sheet hinggil sa kasong kinakaharap ng kanilang kliyente.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kung may dapat na sisihin si Ressa, ay walang iba kundi ang mismong tagapagtanggol nito dahil sa aniya’y incompetence.

Hindi ani Panelo katanggap-tanggap na walang kopya ng information sheet ang abogado ng CEO ng Rappler, gayung bilang legal counsel, dapat aniyang matiyak nito na makakakuha siya ng nabanggit na dokumento agad-agad upang masigurong hindi madedetine ang kanyang kliyente sa pamamagitan ng agarang paglalagak ng piyansa.

Binigyang-diin ni Panelo na noong siya’y practicing lawyer pa, kinakailangan niya aniyang umistambay sa korte para sa kanyang kliyente upang maiwasan ang nangyari kay Maria Ressa.

Hinihikayat ng Palasyo ang mga taga-supporta ni Rappler CEO Maria Ressa, na alamin muna ang kasong kinakaharap nito at ang dahilan kung bakit ito hinainan ng warrant of arrest.

Ito ay kasunod ng mga pahayag ng suporta kay Ressa mula sa mga international leaders at journalists.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo, tila ignorante o misinformed ang mga ito sa totoong dahilan kung bakit inaresto si Ressa.

Ayon kay Panelo, ang tingin kasi ng mga taga-suporta nito ay basta-basta na lamang itong inaresto.

Aniya, kung aalamin lang muna ng mga sumusuporta kay Ressa ang katotohanan sa kaso nito, makikita nila na ang ginawang pag-aresto dito ay alinsunod sa batas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.