Pagkakaalis ng Pilipinas bilang pang-lima sa pinaka-delikadong bansa para sa mga mamamahayag, pinapurihan

Pinapurihan ni ACT-CIS Partylist Rep. Niña Taduran ang pagkakaalis ng Pilipinas bilang ika-lima sa  pinaka-delikadong bansa para sa mga mamamahayag batay sa report ng Committee to Protect Journalists.

Sa Global Impunity Index (GII) na inilabas ng grupong nakabase sa New York, ang Pilipinas ay bumaba sa pang-pito mula sa dating pang-limang ranggo ng mga bansang hindi kanais-nais para sa mga mamamahayag.

Malaki aniya ang naitulong ng desisyon ng Quezon City Regional Trial Court sa Maguindanao massacre case kung saan 32 mamamahayag ang nasawi.

Ang pag-usad na ito sa listahan ng GII ay nagpapakita lamang aniya na hindi tumitigil ang pamahalaan sa pagprotekta sa mga mamamahayag at makasuhan ang mga nakagawa ng mali sa mga ito.

Pinuri rin ng mambabatas ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa walang tigil na pagsusulong ng mga kaso ng karahasan laban sa mga nasa media.

Tiniyak naman ni Taduran na patuloy nilang isusulong sa Kamara ang pangangalaga sa karapatan ng mga mamamahayag.

Katunayan naiakyat na nila sa plenaryo ang House Bill 2476 o ang Media Workers’ Welfare Act na titiyak sa pagkakaroon ng tamang sahod, security of tenure, hazard at overtime pay, insurance at iba pang benepisyo ng mga media worker.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.