Pagkalas ng DND sa 1989 UP-DND accord, suportado ni Pangulong Duterte

Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkalas ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa 1989 University of the Philippines (UP)-Department of National Defense (DND) accord, na nagbabawal sa pagpasok ng militar at pulis sa UP campuses ng walang notice sa pamunuan ng pamantasan.

Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay dahil alter ego ng Pangulo si Secretary Lorenzana.

Naniniwala naman ang kalihim, na ang hakbang na ito ay hindi maituturing na paglabag sa academic freedom ng mga mag-aaral ng UP, dahil sa ibang bansa aniya partikular sa Inglatera ang mga campus ay kabahagi ng siyudad.

Ibig sabihin, malaya ang mga pulis na nakakaikot at nakakapasok sa mga unibersidad.

Nilinaw rin ni Secretary Roque, na hindi nangangahulugan ito na ang mga sundalo ay basta na lamang mang-aaresto ng mga nagkikilos protesta.

Binigyang diin ng kalihim, na ang mandato lamang ng mga ito ay para sa defense purposes.

Nang tanungin naman ang kalihim kung pakikinggan ba ng pamahalaan ang panawagan ng unibersidad na irekonsidera ang hakbang na ito, ayon kay Secretary Roque, ang UP na at ang DND na dapat ang mag-usap sa bagay na ito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.