Pagkapanalo ni Trillanes bilang senador, tsamba lang – Sec. Paras

Inihayag ni Presidential Adviser on Political Affairs Sec. Jacinto “Jing” Paras na tsamba lang ang pagkapanalo ni dating Sen. Antonio Trillanes noong nakaraang eleksyon dahil naging matunog noon ang oposisyon.

Ayon pa kay Paras, kung tatakbo ito sa pagka-pangulo ngayong eleksyon, wala ng makikinig sa kanya.

Aniya, hindi dapat niya akusahan ng katiwalian si Pang. Rodrigo Duterte at Sen. Bong Go ng katiwalian dahil siya ang numero unong kurakot.

Ani Paras,“When in fact, he is the most corrupt senator that ever lived in this country. Unang-una ang kanyang mga consultant, over-priced.”

Aniya, pati ang kapatid niya ay ginawang consultant kahit walang kaalam-alam.

Bukod pa rito, inihayag ni Paras na matapang lang si Trillanes noong naging senador ito ngunit noong nagkaroon ng pagdinig sa Pasay City Court ay mukha siyang basang sisiw.

Pinayuhan din ni Paras si Trillanes na huwag ng manira pa dahil zero naman ito sa survey sa pagka-pangulo.

Hindi na aniya kinokonsidera si Trillanes ng mga Pilipino bilang seryosong kandidato.

Bukod pa rito, sinabi ni Paras na hindi niya ito papansinin kahit makipag-debate pa dahil wala itong saysay.

“Unang-una, ‘yung accusation mo na plunder kay sen. Bong go, nagbabasa ka ba ng batas Mr. Trillanes ng batas, ‘yung pluner, series of accumulation of wealth, may ebidensya ka ba nag-accumulate ng wealth si Sen. Bong Go,” tanong pa nito.

Kaugnay nito, inihayag ni Paras na walang kinalaman si Sen. Bong Go sa construction business ng kanyang pamilya at negosyo na ito ng kanyang pamilya kahit wala pa ito sa pulitika.

Itinilaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Presidential Adviser on Political Affairs si Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Undersecretary Jacinto “Jing” Paras.

Ang bagong puwesto ni Paras ay may ranggo na kalihim at magiging bahagi na ng gabinete.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.