Pagkapanalo ni Trillanes sa Makati RTC Branch 148, hindi maituturing na tagumpay

Watch the video here:
Huwad na tagumpay!!!
Ganito inilarawan ng Palasyo ang inaakalang panalo ni Sen. Antonio Trillanes kasunod ng pagkakabasura ng Makati RTC Branch 148 sa inihaing apela ng Department of Justice (DOJ) upang ito’y maisyuhan ng arrest warrant dahil sa kudeta.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, akala lang ni Trillanes ay nanalo na siya gayung tila hindi naman naisip ng senador ang logical consequence ng naging pasiya ng hukuman na void o walang bisa ang ibinigay sa kanyang amnesty noong 2010.
Nangangahulugan kasi dito ayon kay Panelo, na ng sabihin ng Korte na walang bisa ang amnesty, maaaring buhayin lahat ang kaso ni Trillanes at litisin sa ilalim ng military court.
Kaya nga nang makita niya nagbubunyi ang kampo ng senador, wala na lang siyang magawa kundi ang magulat, gayung hindi pa ring maituturing na tagumpay ang kinalabasan ng hatol ng Makati RTC Branch 148 kahapon.