Pagkulong sa mga ralyista sa Laguna, ‘hindi dahil sa Anti-Terror Act

Inaresto ang walo sa 11 aktibista makaraang magsagawa ng rally laban sa Anti-Terror Act at sasailalim sa inquest proceedings sa Cabuyao, Laguna ngayong Lunes.

Nakatakdang maghain ng kaso sina city police chief Lt. Col. Reycon Garduque laban sa mga nagprotesta para sa paglabag sa Public Assembly Act of 1985 nitong Lunes ng hapon.

Nilabag din ng mga ito ang mga lokal na ordinansa sa quarantine.

“We will file the case today after completing the documents and let’s just leave it to the prosecutor’s office how it will appreciate the evidence,” ayon kay Garduque.

Tatlo rin sa mga aktibista ang menor de edad at itinurn-over sa Social Welfare department.

Naunang sinabi ni Police Major Noel Valdez, city deputy police chief, na tumugon lamang ang mga ito sa mga reklamo ukol sa grupong nagtipon at nagsagawa ng rally malapit sa barangay hall ng Pulo.

Ipino-protesta ng grupo ang Anti-Terror Act, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes, Hulyo 3.

“But (the arrest) had nothing to do with that (law). We still have a pandemic going on and they violated the quarantine protocol,” ayon kay Garduque.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.