Pagpapababa sa Retirement age ng mga Gov’t employees, posibleng talakayin na sa plenaryo sa susunod na linggo

Inaasahang maisasalang na sa susunod na linggo para sa ikalawang pagbasa ang panukala na mag-aamiyenda sa RA 8291 o Government Service Insurance System Act of 1997.

Kasunod ito ng pag-apruba ng House Committee on Government Enterprises and Privatization na ibaba ang retirement age ng mga government employees sa 56 taong gulang mula sa kasalukuyang 60 taong gulang.

Layunin ng panukala na ma-enjoy ng mas maaga ng mga retiradong empleyado ang kanilang buhay kasama ang pamilya.

Kung ibababa sa 56 ang retirement age ng mga kawani ng gobyerno, mabibigyan din ng mas maraming employment opportunities ang iba na nais na magtrabaho sa pamahalaan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.