Pagpapanatili ng 10 PM-4 AM curfew at iba pang usapin, napagkasunduan ng MM Mayors

Pag-aaralan ng City Legal Officer ang mga existing law, upang makahanap ng angkop na basehan sa parusang ipapataw sa mga indibidwal, na mapapatunayang sangkot sa pagbebenta ng COVID-19 vaccine at vaccination slot.

Pahayag ito ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos, makaraang sumuko ang suspect sa umano ay bentahan ng vaccination slot sa Mandaluyong City, kahapon.

Sa press briefing sa Malacañan, sinabi nito na nagpulong ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) upang pag-usapan kung dapat pa bang magpasa ng uniform ordinance laban dito. Napagkasunduan aniya na pag-aralan muna ang mga national law, lalo at nariyan na rin ang ibang batas na posibleng sumakop sa usaping ito, tulad ng Bayanihan Act, kung saan nakapaloob ang kaparusahan ng mga magti-take advantage sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Chair Abalos, sa kaparehong pulong, nagkaisa rin ang mga alkalde na panatilihin muna ang umiiral na 10 PM – 4 AM curfew sa Metro Manila.

Susuportahan rin ng mga ito, ang dahan-dahang pagbubukas ng negosyo o pagdaragdag ng business activities, at ipinauubaya na aniya nila sa Department of Trade and Industry at Department of Tourism ang desisyon dito.

Habang susuportahan rin ng mga ito ang pag angat hanggang 50 percent ng religious activities, sakaling irekomenda ng Inter Agency Task Force.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.