Pagpapatayo sa Kaliwa Dam, itigil – Rep. Zarate

Nanawagan ang isang mambabatas na ihinto ang pagtatayo ng Kaliwa Dam, na itinuturing na pinakamalaking solusyon ng administrasyon sa problema sa tubig sa Metro Manila.


Sa pagdinig ng House Committee on Indigenous Cultural Communities and Indigenous peoples, ibinunyag ng mga mambabatas na hindi pa napipirmahan ang Free Prior and Informed Consent (FPIC), na nagsisilbing memorandum of agreement sa pagitan ng tribong Dumagat tribe at ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).


Giit ni Bayan-Muna Partylist Rep. Carlos Zarate, hangga’t hindi nalalagdaan ang kasunduan, hindi maaaring ipatayo ang dam.

“I think this committee has already taken a cognizant that as admitted in this committee resource persons that despite the absence of an FPIC ay may ginagawa na silang activities in pursuant of Kaliwa Dam Project so yun po ang gusto natin maging subject ng mimungkahi ko na resolution calling for the cessation of any activity in that area,” ani Zarate.

Ayon sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), ang negotiating party sa pagitan ng gobyerno at indigenous peoples, ang kawalan ng FPIC ay bunsod ng hindi pagkakaunawaan sa magiging hatian sa kita ng protekto.

Nagprisinta anila ang MWSS ng halagang P10.7 million pero ni-reject ito ng mga katutubong Dumagat.

“Ang naging tanong po ng ating katutubo which is yon din ang tanong ng NCIP – paano po or ano ba ang basehan ng ₱10.7 million?” saad ni Atty. Josefina Agusti tagapagsalita ng NCIP.

Samantala, ayon sa MWSS, oras na mapirmahan na ang lahat ng kinakailangang dokumento ay posibleng simulan na nila ang paghihukay sa General Nakar sa Quezon province sa Disyembre.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.