Pagsipot ni Trillanes sa korte ng Davao sa kasong libelo, bunga ng takot na makulong

“Ipit lang kaya nagpakita sa korte.”

Ito ang sagot ng Palasyo sa tila nais palabasin ni Senador Antonio Trillanes, na tinatanggap niya ang hamon kaya nagpakita ito kaninang umaga sa sala ni Davao City Branch 54 Judge Melinda Alconcel Dayanghirang, kaugnay ng apat na counts ng libel na kinakaharap nito.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, no choice si Trillanes kaya ito nagpakita sa hukuman gayung kung hindi ito sumipot ay baka arestuhin ito.

Ito ani Panelo ang hirap sa Senador, nais ipakitang hindi takot sa mga kinakaharap nitong asunto sa pamamagitan ng dada pero ang totoo, takot si Trillanes na muling magbalik kulungan.

Ang mas maigi aniyang gawin ng outgoing Senator, maghanda na lang ng kanyang depensa sa mga kasong kanyang kinakaharap, bunsod na rin ng nakitang probable cause sa mga inihain sa kanyang reklamo.

watch the video here:

 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.