Pagsira sa P7.51 bilyon na halaga ng shabu, panibagong milestone sa drug war ng pamahalaan ayon kay Pangulong Duterte

Maituturing na panibagong milestone sa drug war ng administrasyon ang pagsira sa higit 1,300 kilo ng iligal na droga o katumbas ng Php7.51 billion na halaga ng shabu, sa Cavite ngayong hapon.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ipinapakita nito ang determinasyon ng pamahalaan na tuldukan ang panganib na ito, na nagdulot ng pagkasira ng mga pamilya at patuloy na nagiging banta sa lipunan.

“The destruction of these assorted drugs is an affirmation of our determination to put an end to this menace that has caused immeasurable harm to millions of individual users, destroyed countless families, and continue to threaten the moral fabric of our society.” pahayag ni Pangulong Duterte.

Ayon sa Pangulo, magpa-patuloy ang drug war ng pamahalaan, hindi lamang para malinis sa ipinagbabawal na gamot ang mga kalsada sa bansa, bagkus ay upang matiyak na hindi magagamit ang Pilipinas bilang shipment point ng iligal na droga sa rehiyon.

“We will continue to work even harder not only to suppress the supply of narcotics in our streets, but also to prevent our country from being used as a trans-shipment point for illegal drug trade in the Asia-Pacific region.” pagbibigay-diin ni Pangulong Duterte.

Kaugnay nito, nagpaabot ng pasasalamat ang pangulo sa coordinated efforts ng PNP at PDEA, kasabay ng pagsaludo sa mga ito, sa kanilang mga sakripisyo at serbisyo sa taombayan.

“I salute you for your undying patriotic fervor. I salute you because you understand the problem and because you worry about your country. I salute you because tayo lahat sa gobyerno magkasama and we protect each other, and I will protect you.” ayon kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.