Pagsugpo sa mga komunista at terorista, prayoridad ng bagong upong AFP Chief

Magiging top priority ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapatupad ng Executive Order number 70 o ang “End of the Local Communist Armed Conflict” (ELCAC) at Anti-Terrorism Law of 2020.

Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Gilbert Gapay sa kanyang pormal na pag-upo bilang ika-54 na pinuno ng Sandatahang Lakas.

Pinalitan ni Lt. Gen. Gapay si dating AFP Chief Gen. Felimon Santos Jr. na nagretiro sa serbisyo, sa Change of Command and Retirement Ceremony ngayong umaga sa Camp Aguinaldo.

Dahil sa wala ang Pangulong Duterte, si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang naging presiding officer sa seremonya.

Gayunpaman, pinasalamatan ni Lt. Gapay ang Pangulo sa kanyang pagtitiwala at si Secretary Lorenzana sa oportunidad na gabayan ang AFP tungo sa kanilang 2020 vision.

Nagpasalamat din si Gapay sa sambayanan sa 90 percent trust rating na ibinigay nila sa militar, kasabay ng panawagan na mas lalo pang magkaisa laban sa terorismo sa gitna ng pandemya.

Si Gen. Gapay na Class Valedictorian ng PMA “Sinagtala” Class of 1986 ay manunungkulan hanggang Pebrero 2021.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.