Pagtaas ng bilang ng mga nagugutom at pagsipa ng malnourishment sa bansa, isa sa mga agenda ni PRRD

Hindi na kinontra pa ng Malacañang ang lumabas na Social Weather Stations (SWS) survey na nagsasabing pumalo sa new record high ang mga nagugutom sa 30.7%.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sa katunayan ay nagkaroon ng napakahabang presentasyon ukol dito si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Chua sa harap mismo ng Pangulong Duterte.

Ito ang dahilan ayon kay Roque kaya nagpasiya ang Chief Executive na magpatawag ng full cabinet meeting sa darating na Lunes, Oktubre a- dose.

Agenda ng nakatakdang cabinet meeting ang isyu sa pagtaas ng
pagkagutom at malnourishment sa hanay ng mga kabataan na dito ay inaasahang matatalakay ang opsiyon para lalo pang buksan ang ekonomiya.

Bukod dito ay kasama din sa magiging agenda ng pulong ng mga miyembro ng gabinete sa Lunes ay ang mga dapat gawing hakbang sa gitna ng kawalan ng transportasyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.