Pagtakbo sa pagka Pangulo, kinokonsidera ni dating Speaker Cayetano

Kinumpirma ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano, na kinokonsidera niya ang pagtakbo sa pagka Pangulo o sa iba pang posisyon sa darating na 2022 elections.

Ngunit sa ngayon, mas nais aniya niyang tutukan na maipasa ang panukalang P10,000 ayuda na nakapaloob sa Bayanihan 3.

Mainam din aniya na makapaglatag muna ng isang 5-year post COVID plan, upang sino mang presidente ang manalo ay may direksyon ang pagbangon ng Pilipinas mula sa pandemiya.

Para sa Taguig-Pateros representative, dapat ay ihayag na ng mga kakandidato lalo na ang mga hindi naman incumbent o wala sa pwesto, ang kanilang intensyon na tumakbo sa susunod na halalan.

Ito ay para habang maaga ay makilatis na ng publiko ang kanilang karakter at track record.

Inaasahan na rin aniya niya na pagsapit ng Agosto o Setyembre, ay mas magiging vocal na ang pagpapahayag ng mga indibidwal sa kanilang pwesto na nais takbuhan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.