Pagtalakay sa impeachment complaint vs. Associate Justice Leonen, tiyak na magiging patas

Kumpiyansa si House Speaker Lord Allan Velasco na magiging patas ang gagawing pagtalakay ng Kamara sa inihaing impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

Ayon kay Velasco, tiwala siya na magiging patas ang magiging paghawak ni House Justice Committee Chair at Leyte Representative Vicente “Ching” Veloso sa naturang reklamo na dating nagsilbi bilang Court of Appeals justice.

Mayroon namang tatlong session days na nalalabi ang Kamara para mai-refer sa komite ni Veloso ang reklamo.

Bago nag-adjourn ang Kongreso noong Marso ay nai-trasmit na ng Office of the Speaker sa Committee on Rules ang endorsement para sa naturang impeachment complaint.

December 7 pa noong nakaraang taon nang ihain ang impeachment complaint laban kay Leonen ng isang Edwin Cordevilla na secretary general ng grupong Filipino League of Advocates for Good Government (FLAGG).

Kabilang sa reklamo kay Leonen ang pag-upo o bigong pagresolba agad sa mga kaso na hinawakan nito at ang hindi paghahain ng SALN.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.