Pagtatalaga kay Velasco bilang bagong House Speaker, dapat isinagawa sa plenaryo

Sa kabila na itinutulak ni Albay Representative Edcel Lagman na kilalanin ang 15-21 term sharing agreement para sa speakership post, ay hindi aniya maituturing na valid o legal ang isinagawang “rump assembly” ng kampo ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco sa Celebrity Sports Plaza, kung saan ito inihalal bilang bagong House Speaker.

Pagbibigay diin ni Lagman, ang election ng speaker ay dapat isinasagawa habang naka-sesyon ang Mababang Kapulungan at sa public plenary proceeding.

Bagamat kwestiyonable aniya ang suspension of session noong October 6 na magtatagal dapat hanggang November 15, ay hindi naman aniya ito na-kwestiyon sa tamang forum at wala ring opisyal na deklarasyon ng nullity nito.

Katunayan, kinilala mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kawalan ng sesyon ng Kamara, kaya nga ito nagpatawag ng special session mula October 13 hanggang 16 para aprubahan ang panukalang pambansang pondo.

Kahit pa aniya invalid ang suspension ng sesyon noong October 6, ay illegal din at unconstitutional ang ginawang sesyon sa Celebrity Sports Plaza, dahil wala itong consent mula sa Senado na malinaw aniyang nakasaad sa konstitusyon.

Punto pa ng Albay representative, malinaw na nakasaad sa Saligang Batas na hindi maaaring magsagawa ng sesyon ang Senado at House of Representatives maliban sa plenaryo.

“For all intents and purposes, the assembly at the Celebrity Sports Plaza can be considered a show of force or numerical superiority of the Velasco camp. Consequently, the “election” of Velasco has to be legitimized by holding a nominal voting for the new Speaker during any day of the special session.”

Diin naman ni Lagman, na bagamat ang special session na ipinatawag ng Pangulo ay para sa budget ay hindi naman nito ipinagbabawal ang pagsusulong ng pagsasagawa ng botohan para sa speakership issue.

Hindi naman aniya aabutin ng isang oras ang botohan para dito, at hindi rin makakakain ng malaking oras sa budget deliberations.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.