Palasyo, bumuwelta sa pahayag ni Drilon na bigo ang IATF na mapigilan ang patuloy na pagtaas ng COVID sa bansa

Kinontra ng Malacañang si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa naging pahayag nitong bigo ang IATF na magampanan ang trabaho nito at hindi naging maayos ang paghawak sa kaso ng COVID-19.

Tugon ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, napigilan ng pamahalaan ang bilang sana ng kasong maaaring pumalo sa 3.5 milyon kung hindi kaagad umaksyon ang gobyerno.

Bukod aniya sa naagapan ang mas marami sanang bilang ng kasong kinapitan ng virus ay mababa rin ang mortality rate habang hindi rin mataas ang critical care capacity lalo’t karamihan sa mga kaso ay asymptomatic at mild.

Hanggat nagagawa ani Roque na mapanatiling mababa ang death rates ay maninindigan ang pamahalaan na nagtatagumpay ito sa paglaban sa COVID-19.

Sa gitna nito ay malinaw naman aniya ang apela ng Pangulo na magpokus sa pagtugon tungkol sa corona virus at isantabi ang anomang pamumulitika.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.