Palasyo: Janitress na nagbawal sa transgender na si Gretchen Diez na pumasok sa CR ng babae, hindi dapat alisin sa trabaho

Naniniwala ang Palasyo na ang insidenteng kinasangkutan ng isang janitress ng isang mall sa Quezon City at ng transwoman na si Gretchen Diez ay hindi dapat maging dahilan upang matanggal ito sa trabaho.

watch the video here:

Matatandaan na pinigilan ng janitress si Diez, na gumamit ng ladies comfort room.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ay dahil humingi na ng tawad ang janitress, at inamin rin naman nito ang pagkakamaling nagawa.

Bukod dito, nagpahayag na rin daw ito na handa siyang pag-aralan ang karapatan ng mga miyembro ng LGBT Community.

Kaugnay nito, sinabi ng Palasyo na suportado ng Pangulo ang SOGIE bill, maging ang pagkakaroon ng 3rd restrooms para sa mga miyembro ng LGBT Community.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.