Palasyo kay Robredo, ano maibibigay mong solusyon sa problema sa trapik?

Binuweltahan ng Palasyo ang mga kritiko nito na ang tanging alam aniya’y mamuna ng mamuna sa halip na makatulong sa problemang kinakaharap tungkol sa trapik.

Payo ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo, malaking bagay na kung makakapagbigay ng suhestiyon o mungkahi ang mga namumuna sa pamahalaan.

Inihalimbawa dito ni Panelo ang negosyanteng si Ramon Ang na bagama’t vocal sa problemang kinakaharap ay nagpapahayag naman aniya ng posibleng solusyon para tugunan ang suliranin sa trapik.

Kaibayo naman aniya ito ni Vice President Leni Robredo na nagpapakawala ng kritisismo pero wala namang inihahaing solusyon sa problema.

Sa isang interview ay inihayag ng Bise Presidente na ang unang hakbang na dapat gawin ng gobyerno para remedyuhan ang problema sa trapik ay aminin muna na sadya ngang may problema o krisis sa transportasyon.

Katwiran ng Pangalawang Pangulo, kapag kasi hindi inaming may krisis, lalabas na walang problemang dapat ayusin at pagtuunan ng pansin ng mga kinauukulan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.