Palasyo, may babala sa mga opisyal ng pamahalaan na lumalabag sa quarantine protocols

Nagbabala ang Malakanyang sa mga government officials na lumalabag sa Quarantine protocol kasama na ang may mga matataas na posisyon sa pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dapat lamang na ang mga ito ang maging magandang halimbawa sa kanilang mga constituents.

Sinabi ni Sec. Panelo na dapat na sumunod ang mga public officials sa mahigpit na pagpapatupad sa quarantine protocols na ipinataw ng national government bilang bahagi ng pagsisikap na mapigil ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.

Ang lahat aniya ng mga government workers, lalo na iyong kinukunsiderang persons under investigation (PUIs) o persons under monitoring (PUMs), ay hindi exempted mula sa implementasyon ng quarantine protocols.

“The protocols set by the government for persons under investigation or monitoring must be strictly and absolutely observed by all people falling under the said categories, regardless of their socio-political status,” ayon kay Sec. Panelo.

Napaulat kasi na positibo sa covid 19 si Senador Aquilino Pimentel III, na umani ng kaliwa’t kanang pambabatikos dahil sa nagawa nitong paglabag sa breach of infection at containment protocols.

Ang Strict home quarantine ay kailangan na i-obserba ng lahat ng PUIs at PUMs.

Ani Sec. Panelo kailangan na maintindihan ng mga public servants na ang itinakda ng pamahalaan ay hindi para makaramdam ng “discomfort” o hirap ang kahit na sinuman.

“They have been established to ensure that public health and safety are secured at all times. There are no exemptions for any person on these health protocols. Those holding high positions in the government are enjoined to set an example to their constituents by strictly observing them,” anito.

Sinabi pa ni Sec. Panelo na nakatanggap sila ng report tungkol sa mga government officials na nilalabag talaga o sumusuway sa quarantine protocols.

Dahil aniya sa mga “conflicting” statements, papayagan ng Office of the President ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na tingnan ang alegasyong ito lalo na kapag nay naghain ng pormal na reklamo.

Tiniyak ni Sec. Panelo, na mapapatawan ng kaparusahan ang lalabag sa quarantine protocol.

“The equal protection clause of the Constitution imposes equal treatment to all. Any transgressor therefore must be dealt with in accordance with law,” aniya pa rin.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.