Palasyo, nagbabala sa mga kongresistang nasa Makabayan bloc kung di kakalas sa kanilang affiliation sa NPA

“Pero habang hindi nila nire-renounce at habang sila ay nakikibahagi pa sa paggamit ng dahas at sandata laban sa Republika, kriminal po iyan.”

Ito ang babala ng Palasyo sa grupo ng makakaliwa sa Kongreso na maaari silang magkaroon ng pananagutang kriminal kung mapapatunayang may koneksyon ang mga ito sa New People’s Army (NPA).

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala namang masama sa pagiging miyembro ng Communist Party of the Philippines pero kung nakikibahagi aniya ang mga ito sa paggamit ng dahas at sandata laban sa Republika, isa aniya itong gawaing kriminal.

Dapat aniyang gawin ng mga kinauukulang kongresista ay itakwil ang NPA na kilala sa armadong pakikibaka at rebelyon.

Ang hirap lang sabi ni Roque, hindi kasi maihiwalay ang CPP sa NPA at patunay dito ang mga inilalabas na mga statements ng mga kinauukulan na may kalakip sa lagdang, CPP-NPA.

Dagdag ni Roque na magagaling naman sila sa parliamentary politics at nahalal pa sila kaya sa kabilang banda ayon sa tagapagsalita bakit hindi sila makakalas sa NPA.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.