Palasyo – “Ouster plot” kay Speaker Cayetano, walang katotohanan

Fake news ang ouster plot laban kay House Speaker Allan Peter Cayetano.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, kung mapapalitan man bilang House speaker si Cayetano, ito ay sa pamamagitan ng napag-usapang term sharing sa leadership ng House of Representative.

  Aniya, ang umugong na usapin hinggil sa nasabing ouster plot ay tila paghamon lamang ni Cayetano sa mga kapwa mambabatas na kung sa tingin ng mga ito’y di siya epektibo bilang speaker ay malaya silang patalsikin siya sa pwesto.

Subalit, sinabi ni Sec. Panelo na base sa kanyang impormasyon, mayorya ng mga kongresista ay “satisfied” aniya sa pamununo ni Cayetano.

Kaya nga aniya ay walang katotohanan ang sinasabing ouster plot laban kay Cayetano lalo na’t karamihan sa mga mambabatas ay sang-ayon sa mga ginagawa ng House  Speaker.

Wala namang balak sumawsaw sa isyu ang Malakanyang at iginiit na Panelo na ang mga kongresista lamang ang dapat na magresolba nang usapin at kung ano ang kasunduan na nabuo ang dapat sundin. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.