Palasyo, rekomendado sa publiko na gamitin ang Sinovac

Walang dahilan ang Malacañang para hindi nito irekomenda ang Sinovac sa publiko partikular na para sa non-healthcare worker population.

Ito sa harap nang nasa 50.4 percent lamang ang efficacy rate ng nasabing bakuna na yari sa China.

Sabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, nagsalita na ang mga eksperto sa bansa gaya nina Dr. Lulu Bravo, Dr. Salvaña at iba pa na pawang nanindigan na sapat na ang 50% efficacy rate para makaiwas sa kamatayan at seryosong mga karamdaman.

Bukod dito’y pati ang World Health Organization ay nagsasabi rin ani Roque na ang 50% efficacy rate ay sapat na para hindi na magpaospital pa ang isang nagkasakit at kung tamaan may asymptomatic ang mga ito.

Tatanggapin aniya ito ng taumbayan at ito ang kanyang paniniwala.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.