Palasyo sa mga kabataang nawalan ng trabaho, hinikayat na magre-schooling sa TESDA

Hinihikayat ng Palasyo ang mga kabataang nawalan ng trabaho sa gitna ng COVID-19 sa bansa na tangkilikin ang retraining at re-schooling na iniaalok ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay kasunod ng inilabas na ulat ng Asian Development Bank (ADB) at International Labor Organization (ILO) na nasa isang milyong kabataang Pilipino ang posibleng mawalan ng trabaho dahil sa pandemic.

Ayon kay Secretary Roque, maraming kurso ang inaalok ng TESDA, lalo’t alam nila na marami ang kailangang mabigyan ng pagkakataon, kabilang na ang mga OFWs at iba pang nawalan ng trabaho sa gitna ng health crisis.

Sinabi ng kalihim na maraming kabataan ang nawalan ng trabaho, ngunit inaasahan ng pamahalaan na ngayong bukas na ang ekonomiya ng bansa, mayroong mga alternatibo silang maaaring pasukin.

“Napakadaming kabataan na nawalan ng trabaho pero iyon nga po.. ngayong bukas na po ang ekonomiya, mayroong mga alternatibo silang pupuwedeng pasukin,” pahayag ni Secretary Roque.

Matatandaan na una na ring inengganyo ng Palasyo ang mga nawalan ng trabaho ngayong mayroong pandemic, na tangkilikin ang mga pautang ng pamahalaan upang makapagsimula ang mga ito ng sariling negosyo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.