Palasyo sa pagsusulong ng RevGov, kailangang inisyatibo mismo mula sa tao di lang sa iisang grupo o indibidwal

Walang nakikitang clamor o malawakang panawagan si Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo sa lumulutang na pagpupursige ng isang grupo para sa isang revolutionary government.

Sabi ni Panelo, hindi lang sa iisang organisasyon o indibidwal dapat manggaling ang inisyatibo kundi mula dapat sa mismong mga tao.

Bagamat nababanggit aniya ng Pangulong Duterte ang tungkol sa revolutionary government sa ilan niyang mga talumpati, binigyang diin ng Chief Executive na ibabase pa din sa kung ano ang isinasaad ng Konstitusyon para sa radikal na pagbabago sa istraktura ng pulitika sa bansa.

Sa ngayon ani Panelo, ay nagagawa naman ni Pangulong Duterte ang kailangang mga pagbabago sa kabila ng mga pagtutol at ibat- ibang mga opinyon.

Ganunpaman, magandang academic discussion aniya ang usapin na pagsusulong ng Mayor Rodrigo Roa- Duterte National Executive Coordinating Committee, na bumuo ng isang revutionary government na pamumunuan mismo ng Pangulong Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.