Pamahalaan palalawakin ang access ng mga Pilipino sa Health Care Services

Layon ng pamahalaan na palawakin pa ang access ng mga Pilipino sa healthcare services, pagdating ng 2021.

Sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na isasakatuparan ng pamahalaan ang layuning ito sa pamamagitan ng pag-hire at pagdi-deploy ng karagdagang 20,000 health professionals.

Ang bilang na ito aniya ay karagdagagan sa health workforce ng mga Local Government Units (LGUs), partikular sa mga disadvantaged areas o mga liblib na lugar.

Sinabi ng Pangulo na magpapatupad rin ang pamahalaan ng mga proyekto na bubuo at magpapaigting ng mga Barangay Health Stations, Rural Health Units, at iba pang healthcare facilities sa bansa.

“In 2021, we aim to increase access to healthcare services by continuously hiring and deploying more than 20,000 health professionals. This will augment health workforce in the LGUs, particularly in isolated and disadvantaged areas.” —Pangulong Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.