Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, isinailalim sa lockdown -Mayor Isko Moreno

Inaprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang rekomendasyon na maisailalim sa lockdown ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) dahil sa patuloy na pagtaas ng coronavirus disease (COVID-19) sa loob ng unibersidad.

Nais ng pamunuan ng PLM na maisailalim sa 14 na araw na quarantine ang mga staffer nito dahil sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 na nadaragdagan.

Habang nasa 14-day quarantine ang mga staff ng PLM, inaprubahan din ng alkalde na isara o i-lockdown ang buong campus.

Dahil dito, ang lahat ng kawani ay sa bahay na lamang itutuloy ang mga trabaho o work from home sa susunod na dalawang linggo simula ngayon, puwera ang IT at ang server maintenance staff, disinfection, sanitation crew, at security personnel.

Lahat ng transaksyon kasama na ang registration para sa freshmen ay maaaring gawin na lamang online.

Samantala, tiniyak ni PLM President Emmanuel Leyco na patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon at mga nakasalamuha ng apat na kaso, wala pa rin aniyang record ng community transmission sa campus.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.