Pamilya Dacera, kinondena ang kumakalat na sex tapes umano ni Christine Dacera

Dismayado ang Pamilya Dacera sa pamamagitan ng kanilang tagapagsalita na si Attorney Brick Reyes kaugnay sa kumakalat aniya na sex tapes kung saan makikita  ang aggressive act at makikitang wala sa katinuan si Christine habang ginagawa ang sex acts kasama ng isang lalake.

Ayon sa abogado ng pamilya, sinisira ng nasabing sex tapes ang reputasyon ni Christine Dacera.

Kaya naman, pinagpaplanuhan na ng pamilya ang pagsasampa ng kaso at imbestigasyon kung sino ang nasa likod nito.

Naniniwala ang pamilya na may krimen na nangyari bago natagpuang patay si Tintin sa isang bath tub.

Nanindigan ang tagapagsalita ng mga Dacera na may impluwensiya ng droga ang yearend party ng mga kaibigan nito hanggang sa mangyari ang pagkamatay ng dalaga.

Bukod dito, naniniwala din ang pamilya na may cover-up kay Christine dahil sa biglaang pag-embalsamo sa katawan nito bago ang otopsiya.

Samantala, emotional at mental torture umano ang sinapit ng mga respondent dahil sa mga ginawa sa kanila.

Ni hindi umano nila nakain ang mga pagkaing dala ng kanilang pamilya para sa kanila dahil inuunahan sila ng ibang preso.

Hindi rin umano sila nakatulog nang maayos dahil sa sikip at hindi rin makakilos nang maayos dahil nakaposas sila.

“Hindi kami makatulog, there’s no space to lie down no space makausap, ‘di makaisip ng maayos. Nag-visit mommy ko ‘yung ibang preso sila pa nauuna kumain sa amin. Nakakulong kami the whole time I don’t feel we’re treated as people nakaposas kami for 5 days,” ayon sa pahayag ni JP dela Serna III, isang respondent.

Habang si Rommel Galido, namaga pa umano ang kamay dahil sa sikip ng posas.

Na-pressure umano sila dahil sa pamimilit ng pulis at ng pamilya Dacera na magturo sila ng mga taong may kinalaman sa pagkamatay ni Christine.

“Fino-force kami na dapat magturo kami ng someone kapalit ng kalayaan namin. Wala akong alam kung ano gagawin ko, gulong-gulo isip ko, ayaw ko na. Nasabi ko si Mark kasi siya ‘yung hindi talaga namin kilala, kailangan ako magturo para sa kalayaan ko. Wala akong choice,” ayon naman kay Rommel Galido, isa ring respondent.

Pinangakuan din umano silang makakalaya at gagawin silang witness kapag may maituturo silang suspek. Dahil dito, naituro nila si Mark Anthony Morales na hindi rin nila gaanong kakilala.

Ilan lang ito sa mga nabago na testimonya ng mga respondent sa pagkamatay ni Christine Dacera.

Ang sex tapes, anggulo sa droga at torture ay ilan lamang sa mga panibagong lead sa nagpapatuloy na usapin hinggil sa kung sino ang nasa likod, at ano ang totoong nangyari sa nasabing krimen.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.