Pamilya Marcos, Ill-gotten wealth case ibinasura ng Sandiganbayan

Ibinasura ng Sandiganbayan ang isa pang kaso laban sa pamilya Marcos na may kaugnayan sa hinahabol na ill-gotten wealth.

watch the video here:

Ang naturang kasong sibil na isinampa ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ay layon sanang mahabol ang P1.052 Billion na halaga ng ill-gotten wealth.

Sa inilabas na desisyon ng Sandiganbayan 2nd division, hindi sapat ang ebidensya na inihain para mapatunayang si Bienvenido Tantoco ay umakto umanong dummy para kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Base sa inihaing kaso ng prosekusyon, nakakuha ang mga Tantocos ng prangkisa para sa operasyon ng duty-free shops na layong ikubli ang totoong pinagmulan ng kanilang yaman.

Ayon sa the anti-graft court ang mga dokumento at testigong ipinrisinta ng state prosecutors ay bigong makapagpatunay na may conspiracy sa pagitan ng pamilya Tantoco at Marcos.

Ito ang ikalawang forfeiture case laban sa mga Marcos at kanilang umano’y kasabwat na nabasura ng Sandiganbayan ngayong taon.

Noong Agosto, ibinasura din ang P102 billion forfeiture case laban sa umano mga Marcos at umano’y kanilang cronies.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.