Pamisa, kumpil, binyag libre na

Aalisin na sa lahat ng simbahan ng Archdiocese of Manila ang fixed rate para sa binyag, kumpil at mass intention o pamisa.

Simula Abril 14 epektibo na ang decree na pagbura sa ‘arancel system’ sa ilang serbisyo ng simbahan, ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo.

Ayon kay Bishop Pabillo, 2017 pa naglabas ng pastoral letter ang mga obispo ng Ecclesiastical Province of Manila tungkol sa stewardship at pagtanggal sa arancel system.

“In response to this letter, we, in the Archdiocese of Manila, have gradually prepared to establish stewardship programs and implement the removal of the arancel system,” aniya.

Kasabay na rin umano ito ng pagdiriwang sa ika-500 taong pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Sa kabila nito, hinihimok ang mga deboto na magbigay na lamang ng donasyon sa simbahan.

Ang arancel system sa simbahan ay ang bayad sa mga pari sa pagbibigay nito ng church service.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.