Panawagan ni Sen. Lacson sa DOH at FDA, bilisan ang pagkilos kontra COVID-19

Hinimok ni Senador Panfilo Lacson ang Department of Health (DOH) at ang Food and Drug Administration (FDA) na kumilos pa ng mas mabilis upang masugpo ang krisis sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Lacson, sa laki ng ating populasyon ay inaasahan nang mas lalala pa ang problema natin ngayon sa virus.

Sinabi ng Senador na bagamat nakikita namang epektibo ang ipinapatupad na enhanced community quarantine ng pamahalaan ay hindi pa ito sapat.

Mainam aniyang magamit na ang mga test kits na dinonate ng ibang mga bansa at mga malalaking organisasyon sa Pilipinas na naiipit pa rin ngayon sa Bureau of Customs.

Samantala, ang FDA naman aniya ay hindi pa rin nagbibigay ng provisional accreditation sa mga bagong test kits na dumadating.

Makakatulong aniya sana ito upang mabawasan ang pagkalat pa ng virus.

Umaasa ang Senador na sa tulong ng ipinasang Bayanihan to Heal as One Act ay maiiwasan na ang unnecessary delay sa mga donasyon at biniling health products para sa pagtugon sa COVID19.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.