Panawagan ni VP Robredo sa SC sa petisyon vs Anti-Terror Act, maituturing na pressure — Sec Panelo

Binuweltahan ng Palasyo ang pahayag ni  Vice-President Leni Robredo na may kinalaman sa petisyong inihain sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa Anti-Terrorism Act of 2020.

Banat ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo  sa Bise Presidente,  para namang hindi abogado kung magsalita si VP Leni.

Ang buwelta ay ginawa ni Panelo kasunod ng pahayag ng Bise na sana’y huwag  ma-pressure ang Korte Suprema sa mga dumadagsang petisyon.

Binigyang-diin ng abogado ng Malacanang na mistulang sinisiraan ni Robredo ang Supreme Court sa gayung uri ng statement at tila lumalabas na pine-pressure pa  nito ang Korte Suprema  na pumanig sa kanya.

Independent body aniya ang Supreme Court gayundin ang mga mahistrado nito na hindi kailanman nagpapa-pressure.

Mas mainam aniya na hintayin na lamang ang magiging aksiyon ng Korte Suprema sa halip na mag-ingay ng mag-ingay dahil tiyak naman na pag-aaralan ng mga mahistrado ang mga isinampang petisyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.