Pangako ng bagong PNP Chief Eleazar: Sumbong mo, aksyon ko

“Sumbong mo, aksyon ko.”

Ito ang pangako ng bagong-upong Philippine National Police (PNP) Chief Leutenant General Guillermo Eleazar kung saan kanyang tiniyak na ang anumang sumbong ng mga mamamayan sa mga pulis ay agarang aaksyonan.

Ang pagtiyak ay ginawa ni Eleazar sa kanyang pahayag, matapos na pormal na i-turn over sa kanya ni dating PNP Chief General Debold Sinas ang pamunuan ng PNP sa PNP Change of Command Ceremony sa Camp Crame ngayong hapon.

Ayon kay Eleazar, sa oras na magsumbong ang mga mamamayan sa mga pulis, ito ay ituturing bilang direktang utos mula sa PNP chief sa lahat ng concerned police units na rumesponde.

Bahagi aniya ito ng kanyang ilulunsad na “Intensified Cleanliness Policy” sa PNP na kanyang matagumpay na naipatupad sa National Capital Region Police Office (NCRPO) noong panahong siya ang regional director.

Sa pamamagitan ng programa, ay sisiguruhin na malinis at kaaya-aya ang lahat ng himpilan ng PNP, malinis ang kanilang hanay mula sa mga scalawag, at malinis ang mga komunidad mula sa krimen at terorismo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.