Pangalan ng bagyo, isunod sa pangalan ng mga dilaw, biro ni Pangulong Duterte

Iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na pangalanan na din ang bagyo sunod sa pangalan ng mga dilaw.

Ang biro ay ginawa ng Pangulo nang matanong nito ang PAGASA sa kung sino ang mga nagbibigay ng pangalan ng mga dumarating na bagyo sa Pilipinas.

Sinabi naman ng PAGASA na mayroon nang nakahandang pangalan para sa mga paparating na bagyo kada taon simula “A” to “Z”.

Tugon pa ng PAGASA na kung devastating ang bagyo ay tinatanggal na ang pangalan at kapag umaabot sa bilyon ang halaga ng naging pinsala at marami pang namatay ay tinatanggal na’t hindi na inuulit pang gamitin ang pangalan ng bagyo.

Dito na pabirong inihayag ng Pangulo na pwede ring kumuha ng ipapangalan sa pangalan ng mga dilaw at marami aniya doon.

Kasama rin sa nabiro ng Pangulo ang mga kalihim ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagsabing pwede ring isama sa pangalan ng bagyo ang Arturo at Mark.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.