Pangulo Duterte posibleng pagpasyahan ngayong araw ang bagong quarantine protocol sa iba’t ibang bahagi ng bansa

Noong isang linggo pa ay may nailatag nang rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng ipatutupad na quarantine policy simula sa July 1.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa gitna ng inaasahang muling gagawing pag-aanunsyo ng Presidente ng bagong quarantine protocol sa iba’t ibang lugar ng bansa.

Ayon kay Roque, maaaring gawin ng Chief Executive ang kanyang pasya ngayong araw hinggil sa kung ano ang mga area na maaaring manatili sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), General Community Quarantine (GCQ) at pati mga lugar na pwdeng nang maisailalim bilang Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Sa sandaling nakarating na sa tanggapan ng Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng IATF, dumaraan ani Roque sa kaukulang review ng Presidente na siya namang pinal na nagpapasya kung susundin ang rekomendasyon o babaguhin ang ilan dito.

Matatandaang ibinalik ng Pangulo ang ECQ sa Cebu mula sa pagiging GCQ simula noong June  16 matapos  na sumipa ng husto ang kaso sa lunsod, habang pinanatili naman ng Pangulo sa GCQ ang NCR, Calabarzon, Central luzon, Central Visayas at iba pa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.